Wednesday, November 4, 2009

我不在乎






Hey BOY

It's about time
And your times up
I had to do this one for my girl you know
That's the only way you boys learn

I DON'T CARE, I'll stop caring about what you're doing and wherever you are
From now on I really don't care, I'll get out of the way
Boy I don't care !!
I'd rather keep it simple, I'm TOO GOOD for you
I believed you were my love but oh....



I REGRET every time I think about you when my HEART was too easy, huh boy?
I'm too good to throw away and too boring to have
You should've treated me better when we were together

LOSER who's inside a game called LOVE
Get on your knees and take me back
If not, get out of my sight right now




Tuesday, November 3, 2009

undas man ay kaligayahan ang dulot



Ito na ang bakasyon. Panahon ng pagpapahinga. Sadyang napaka-init na ng panahon ngayon at sa bakasyong ito hindi ko mawari kung ano ang aking maaaring gawin. Ukol sa undas ang bakasyong ito pagkat nararapat na ipagdiwang ng maraming tao ang piyesta ng mga patay.


Nakakapagod at nakakatamad man, naging sobrang saya naman ng bakasyong ito. Nagkaroon ng pagkakataon ang pamilya namin na magsama-sama at magkaroon ng konting kasiyahan. Dalawang beses kaming nagtungo sa sementeryo upang dumalaw sa patay. Sa ika-1 ng Nobyembre, naging sobrang init ang sikat ng araw. Nakakapang-lagkit ng katawan. Matapos maglinis sa puntod ay nagtungo kami sa “SM Taytay” upang mamili ng ilang damit at kagamitan pagkatapos ay kumain na rin kami at ‘di naglaon ay umuwi na kami. Kinabukasan ay bumalik kami sa sementeryo at noon pa lamang dumating ang mga lolo’t lola ko. Saglit lang kami at tinungo na namin ang tahanan ng lolo’t lola ko na matagal ko nang hindi nakita. Doon ay naramdaman kong sobrang malapit kaming magpipinsan sa isa’t-isa. Nagkantahan kami mula tanghali hanggang gabi. Sabay-sabay kami kumain at kaakibat ang isang tumataginting na tawanan. Matapos ang isang nakakapagod ngunit masayang araw, umuwi kami’t nagpahinga sa aming tahanan.

Bagama't araw ito ng mga patay ay isa itong maligayang araw pagkat nagkaroon kami ng panahong magsama-sama bilang isang masayang mag-anak. Saglit na panahon upang magsalo ngunit nagawa naming isang kakaibang bakasyon. Undas na karapat-dapat itanim sa gunita.

Sunday, September 6, 2009

SINO BA SI NINOY?




NINOY ANG ITAWAG

Inihandog ng “Philippine Stagers Foundation” ang dulang pinamagatang Ako Si Ninoy upang ipakita na sa simpleng mamamayan ay may alab din ng pagkabayani hindi lamang si Ninoy. Atin siyang kilalanin.

Sino nga ba si Ninoy Aquino bilang kapatid? Anak? Asawa? Ama? At bilang isang kaibigan? Si Ninoy ang simbolo ng makabagong pakikibaka ng mga Pilipino. Bilang kapatid ay sinuportahan niya ang mga kapatid na sina Butz at Tessie Aquino-Oreta sa kanilang mga kandidatura. Anak siya ng dating Senador Benigno Aquino, Sr. ng Tarlac ngunit hindi siya naging matapobre. Isang matalinong anak na nais ipagpatuloy ang karera ng pagiging peryodista o mamamahayag. Siya rin ay isang mapagmahal na asawa at sobrang pinoprotektahan si Cory kahit na nandoon siya sa loob ng piitan. Bilang ama ay hindi siya nagkulang sa pag-aaruga sa mga anak. Itinaguyod at pinalaki ang mga anak ng maayos kahit sa sandaling panahon ng kanilang pagsasama. Bilang isang kaibigan ay matulungin siya, di nagdadalawang-isip tumulong hangga’t kakayanin tulad pa rin ng isang simpleng tao.

Anu-ano nga ba ang kanyang mga pinaglaban? Anu-ano ang kanyang mga pinagdaanan sa paglilingkod sa kanyang bayan? Demokrasya ang una sa lahat ng pinaglaban ni Ninoy para sa bayan upang mamulat ang lahat ng Pilipino sa pamumuno ni Marcos. Pinaglaban ni Ninoy ang ating bansa. Sinakripisyo niya ang kanyang buhay para lamang maiangat ang ating bansa mula sa kadiliman ng diktatorya at maging mula sa kahirapan. Pinagdaanan niya ang pagpataw ng Batas Militar at siya ay nakulong sa piitan ng pitong taon at pitong buwan. Dahil sa sakit sa puso siya ay pinayagang lumikas sa Estados Unidos upang ma-operahan sa puso at di nagtagal ay pawang ipinatapon doon at halos ayaw nang pabalikin sa Pilipinas. Nang siya ay bumalik ng Pilipinas noong ika-21 ng Agosto, 1983, siya ay binaril habang bumababa sa Eroplano sa loob ng dating Pandaigdigang Paliparan ng Maynila na ngayon ay ipinangalan sa kanya.

Siya ang pinakamalakas na maaring maging kandidato sa pagka-pangulo ng bansa at maraming Pilipino ang naniniwala noon na siya na nga ang susunod na Pangulo ng Bansang Pilipinas kaya siya ipinatapon sa Amerika sa panahon ng administrasyon ni Marcos.

Itinuloy niya ang pagbalik sa bansa kahit na delikado na ang kanyang buhay upang mamuno sa layuning ibalik ang demokrasyang pinatay ni Marcos. Upang damayan ang mga Pilipinong naghihirap at naghahangad ng kalayaan at upang mamulat ang mga tao sa tunay na kalagayan ng bansa.

Sa lahat ng ito, para sa akin, bayani kung maituturing si Ninoy Aquino. Hindi pagbubuwis ng buhay ang naging basehan dito at hindi rin ang madrama na buhay nito. Naging bayani si Ninoy sa mga Pilipino pagkat binuhay niya ang dugong malaya sa ugat nito. Ginising ni Ninoy tayong mga Pilipino dahil hindi tayo mulat sa kalagayang di wasto. Kahit pinatapon sa ibang ibayo pinagpatuloy niya ito. Hindi ang paraan ng pagkamatay ang sukatan sa pagiging bayani. Ito ay ang kahulugang hinango sa mga pakikibaka sa kaaway. Anuman ang paraan ng pagkamatay may nag-iisang pamantayan: ito ay ang pinaglilingkuran ng bayani ang mamamayan hanggang sa kahuli-hulihan niyang hininga.

“Ngunit kahit sino pa ang maging tulad ni Ninoy na handang magbuwis ng buhay sa tunay na kalagayan ng bansa, para sa akin, hangga’t hindi magigising ang mga Pilipino sa katotohanan, ito’y patuloy pang babagsak at hindi makakamit ang tunay na demokrasya ng ating bansa. Kaya panahon na upang magising na tayo sa katotohanan!”

Sunday, July 26, 2009

JINGLE CONTEST....



BOOM..GIVE WAY..MARTIN IS ON THE WAY!!!


panalo kmi!!!
super happy kasi 1st kami..
CHAMPION!!!

hindi ako nanghinayang sa lakas na ibinigay ko and sa todo saway ko sa lahat!!
nawala lahat ng pagod ko nun!
kahit halos lahat kami ay nagkasakit bago yung contest...naging maganda pa rin yung kinalabasan..
NANALO pa rin kami!!!


MA'AM ANDREA--->



WE'RE SO EXCITED!!!



WINNER!!! THE CHAMPION!



THE 'SECRET WEAPONS'



TIRED NA EH!!!?

Tuesday, July 14, 2009

edited PICTUREs...ϋ


JUST PERFECTϋ



~GIRL OF EVERY MAN'S DREAM~



BROKEN//GHO$T



SUBIC COLLAGE../



100% CRAzY???



APPLE OF THE EYE!!



QUIET SCREAM...



HAPPY?? REALLY??



.HARD-HEADED.



MISSING YOU