Tuesday, November 3, 2009

undas man ay kaligayahan ang dulot



Ito na ang bakasyon. Panahon ng pagpapahinga. Sadyang napaka-init na ng panahon ngayon at sa bakasyong ito hindi ko mawari kung ano ang aking maaaring gawin. Ukol sa undas ang bakasyong ito pagkat nararapat na ipagdiwang ng maraming tao ang piyesta ng mga patay.


Nakakapagod at nakakatamad man, naging sobrang saya naman ng bakasyong ito. Nagkaroon ng pagkakataon ang pamilya namin na magsama-sama at magkaroon ng konting kasiyahan. Dalawang beses kaming nagtungo sa sementeryo upang dumalaw sa patay. Sa ika-1 ng Nobyembre, naging sobrang init ang sikat ng araw. Nakakapang-lagkit ng katawan. Matapos maglinis sa puntod ay nagtungo kami sa “SM Taytay” upang mamili ng ilang damit at kagamitan pagkatapos ay kumain na rin kami at ‘di naglaon ay umuwi na kami. Kinabukasan ay bumalik kami sa sementeryo at noon pa lamang dumating ang mga lolo’t lola ko. Saglit lang kami at tinungo na namin ang tahanan ng lolo’t lola ko na matagal ko nang hindi nakita. Doon ay naramdaman kong sobrang malapit kaming magpipinsan sa isa’t-isa. Nagkantahan kami mula tanghali hanggang gabi. Sabay-sabay kami kumain at kaakibat ang isang tumataginting na tawanan. Matapos ang isang nakakapagod ngunit masayang araw, umuwi kami’t nagpahinga sa aming tahanan.

Bagama't araw ito ng mga patay ay isa itong maligayang araw pagkat nagkaroon kami ng panahong magsama-sama bilang isang masayang mag-anak. Saglit na panahon upang magsalo ngunit nagawa naming isang kakaibang bakasyon. Undas na karapat-dapat itanim sa gunita.