*isang kwento ng babae na sobrang nangangarap na umarte sa harap ng maraming tao at ipakita ang kanyang talento at makarinig ng malakas na palakpakan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
MARCH 28-MAY 16, 2009
Isang araw si GEM ay nagdesisyon na mag-audition sa isang workshop at isinama niya si KIM na kanyang kaklase. Maaga silang dumating sa VINCENT I building para mauna sila sa listahan. Kasama nila ang ina ni GEM na sobrang supportive sa kanya dahil alam nito ang pangarap ng kanyang anak. Natuwa si GEM dahil sinusuportahan siya ng kanyang ina. Pagdating nila doon ay nakita nila na may mga nauna sa kanila pero hindi pa naman masyadong madami. 10:00am sila ng umaga dumating pero 1:00pm pa magsisimula ang audition kaya kumain muna sila ng tanghalian. Pagbalik nila ay pinasulat sila ng pangalan ni MS. TERE TAJAN sa papel at sinabi nito na tatawagin na lang daw sila kapag sila na ang susunod. Pang number 10 sa listahan si KIM at 11 naman si GEM. Medyo matagal din silang naghintay at nung tinawag na sila...kinakabahan ng sobra si GEM. paglabas ni KIM ay si GEM na ang nakaharap sa mga board members na sila ATTY. VINCENT M. TAƱADA, MR. JEFFREY AMBROSIO at MR. HANS CHRISTIAN LIM. Nung una ay pinasayaw ito ngunit nasira yung cd kaya pina-arte na siya. Ang naka-batuhan niya ng linya ay si MS. MIEL REYSANTOS. Pagkatapos noon ay pinatawag ang ina niya sa loob at sinabi na nga nila na magaling daw si GEM mag-internalized at gusto naman daw nila yun. Pagkatapos nun ay pinapasok ulit sila KIM at iba pang nakapasok na sila CHE, MARIAN, JHOMZ, JOSHUA at CZAR. M-W-F ang ibinigay na schedule sa kanila pero si CZAR ay napunta sa T-TH kaya hindi nila siya nakasama. Sila ang pinaka-unang pito na nakapasok. Habang bumababa sila ay nagsisigawan sila sa tuwa.
Bumalik sila noong sabado para sa isang orientation. Doon pinakilala ang totoong PSF na hindi lang basta theater kundi isa ring foundation. Pinakilala din nila ang iba't-ibang activities na gagawin nila para sa buong month. Marami din siyang nakilala sa orientation na yun. Pinakilala din sa kanila ang iba't-ibang STAGERS na dati ay napanood lang nila sa TROY AVENUE.
Unang araw...madami nang nakilala si GEM na mga taga M-W-F din. Nung araw din na yun ay nabuo ang apat na grupo na sobra ang naging bonding sa isa't-isa. Yun ang ARTE-KU-LAW, SIKLAB, SMART at DASIACS. Ang leader ng grupong ARTE-KU-LAW ay si PAOLO, sa SIKLAB naman ay si VALERIE, sa SMART naman ay si SHAGGY at sa DASIACS ay si ALJAY. Maraming napagdaanan ang apat na grupo na ito. May mga lungkot na kapag naalala mo ay nakakatawa at meron namang saya o tawanan na kapag naalala mo ay ma-iiyak ka na lang. Natuto kaming magtiwala sa mga kasamahan namin at siyempre hindi mawawala ang PAKIKISAMA!
Bawat sabado ay may IMMERSION PROGRAM na handog ang PSF para sa mga WORKSHOPPERS. Ang unang sabado ay naghandog si SIR. VINCE ng dulang FX na sobrang nakakatawa at interesting. Ang unang dalawang dula na kalahok ay ang BAHAY PULA ni MR. PATRICK LIBAO at PUPPY LOVE ni MR. JOMAR BAUTISTA. Sunod na sabado naman ay ang mga dulang ANG MGA KAMPON NI HUDAS ni MR. ALEX DOROLA at BABAE PO AKO ni MR. JORDAN LADRA. Pangatlong sabado naman ay merong dulang BABAE SA DILEMMA NG BRA ni MS. GLORY ANN NACIONAL at ANG HIMAS NI PANGANAY ni MR. VANCE KIERWIN LARENA. Ang pinaka huling IMMERSION PROGRAM naman ay may mga dulang ANG ISTORYA NI DEMARCO SANTIAGO ni MR. REGGIE CARANYAGAN at SAKO ni MR. ART GABRENTINA. Hinding-hindi malilimutan ni GEM ang mga dulang ito dahil na-inspire siya ng sobra sa mga kwento nito pero ang pinaka-tinamaan siya ay sa dulang ANG ISTORYA NI DEMARCO SANTIAGO ni MR. REGGIE CARANYAGAN dahil hindi lang challenging ang roles nila kundi sobra siyang tinamaan at dito lang ang dula na naiyak siya ng sobra na hindi niya mapigilan.
Dumating na ang time na kailangan na nilang magrehearse para sa SHOWCASE nila. Ang dating apat na grupo ay naging isa at naging isang buong M-W-F sa pamumuno ng dating leader ng ARTE-KU-LAW na si PAOLO. Ang nabunot ng M-W-F ay ang dulang DESAPARECIDOS A FILIPINO MUSICALE. Sobrang naging mahirap ang pinagdaanan ng grupong ito dahil sa buong panahon ng kanilang pagrerehearse ay madalas silang napapagalitan at nakakatikim ng mga salita na nagpalakas ng loob nila. May mga pagkakataon din na inaabot sila ng madaling araw para maperfect ang dula. Sa panahon ding yun, ay maraming natanggal sa kanilang grupo. Nakakalungkot man pero ganoon nga talaga. Nakaramdam sila ng sobrang inggit sa T-TH dahil sa madalas na sinasabi ng mga FACILITATORS at maging si SIR. VINCE na disiplinado silang lahat at magagaling sila sa mga rehearsals nila. Dahil dun ay lalong lumakas ang loob ng grupo nila.
Sa araw ng kanilang TDR ay hindi naging maganda ang performance ng T-TH pero ang M-W-F naman ay naging masaya dahil natuwa sila SIR. VINCE sa performance nila. Kinabukasan nun ay ang critics night ng M-W-F at naging mababa ang energy nila kaya nasabi ni SIR. VINCE sa kanila na mas better yung naging performance nila nung TDR. Pero dahil sa mga nangyari sa kanila at napagdaanan ng buong grupo, sa day ng kanilang SHOWCASE...sa bawat performance man ay may pagkakamaling nangyayari nababawi naman nila agad at nagiging maganda ang kinakalabasan sa huli. Sa kanilang 3rd SHOW ay naging energetic ang lahat dahil may mga judges na. Sobrang dami pa ng mga tao at si SIR. VINCE ay nandun din. May mga ibang stagers din na dumating. Sa last show na ito ay lumabas na lahat ng emotions nila lalo na itong si GEM dahil naging malaking part ng buhay niya itong PSF sa pagnanais niya ng sobra sa pag-arte. Hindi mapigil ang luha nito lalo na nung narinig niya ang palakpakan ng mga tao at ang mga salitang BRAVO! at EXCELLENT! Pagbaba niya ng riser ay sinalubong agad siya ni MS. MONIQUE AZEREDA ng isang yakap na mahigpit sabay sabing "WOW! UMIYAK KA! NA-FEEL KO YUNG EMOTION MO!" at dahil dun ay sobra niya itong pinasalamatan sa lahat at naging sobrang bait niya kay GEM. Niyakap din siya ng iba pang STAGERS sabay sabing "CONGRATS!" at siyempre hindi niya nakakalimutang sabihing "THANK YOU PO SA LAHAT". Kahit na todo iyak na siya habang nag-aayos ng gamit ay kinukulit siya ni MR. ALEX DOROLA dahil nga namamaga na ang mga mata nito. Habang pauwi na ito kasama si KIM ay nakatingin siya sa daan habang nakasakay sa jeep at hindi maiwasan na isipin ang mga pangyayari. Naisip nga niya "PARANG KAHAPON LANG YUNG ORIENTATION AT PARANG HINDI NAGDAAN NG ISANG BUWAN SA SOBRANG BILIS NG PANAHON".
Ngayon ay GRADUATION na...naisip ni GEM "Maalala pa kaya nila ako kung medyo matagal kaming 'di magkikita?? Maalala kaya ako ng mga stagers kung madami pang magwoworkshop next year?? Sana...oo! Wala nga kaya talagang limutan?? Ano na kayang susunod na mangyayari sa career ko?? Anyways...pagbubutihan ko na lang ang pag-aaral ko tutal bata pa naman ako eh, madami pang mangyayari sa career ko."
**NO GOODBYEs...JUST SEE YOU SOON!!!**
No comments:
Post a Comment